Biyernes, Setyembre 4, 2015

Fun Run

       Sa aking paghiga sa kama, rinig ko ang himig ng aking mga mata na nagsasabing ayaw pa niyang humimlay. Siya’y tumingin pakanan upang tanawin sa bintana ang nag-aawitang bituin. Paglipat sa kanyang kaliwa, malalim na ang tulog ng kanyang kapatid. Inobserbahan ko ang aking kapatid at nakita na ang umbok sa bilog ng kaniyang mga mata ay napakabilis na gumagalaw habang siya ay nakapikit. Isang pahiwatig na ito’y nananaginip.
      
      Parang ako’y naiinggit. Sige, tara na. Pumunta na tayo sa sinasabi nilang yugto ng pagtulog. Pagkapikit, unti-unti na akong pumapasok sa unang yugto—ang pagkaantok o mababaw na tulog. Sa yugtong ito, ang mga kalamnan ko ay narerelaks at ang mga signal sa aking utak ay iregular at mabilis. Sa yugtong ito ay maghihintay ako ng  limang minuto bago makaakyat sa susunod na nibel.

         At ito na nga, ikalawang yugto—ang aktuwal na pagtulog—kung saan ko karaniwang ginugugol ang 20 porsiyento ng aking pagtulog sa gabi, mas malalaki na ang signal sa utak. Maaaring pumasok sa aking isipan ang di-magkakatugmang mga kaisipan o mga guniguni, ngunit wala akong kamalay-malay sa aking kapaligiran at hindi na ako makakita kahit na nakadilat. Ayan na, ito na ang pinakahihintay kong baiting. Nangangamoy panaginip na.

       Kasunod nito ang ikatlo at ikaapat na mga yugto—ang mahimbing at pinakamahimbing na tulog. Sa yugtong ito ngayon napakahirap ko nang gisingin, yamang ang karamihan ng dugo ko ay napupunta sa aking mga kalamnan. Sa panahong ito nagaganap ang panunumbalik at pagkukumpuni sa aking katawan – tumitibay, lumalaki, lumalakas.

        SA WAKAS! Naramdaman ko na ang pagkapanalo. Panaginip, o’ kay tamis, kay saya o kahit ano pa man. Ikaw ang nagbibigay sigla sa aking paggising.  Tulad ng computer, sinusuri ng utak ang imbakan ng panandaliang memorya, anupat binubura ang di-mahahalagang impormasyon at iniingatan ang ibig na manatili nang matagal. Ang napakadalang na pagkamit siklo ng panaginip ay nagbubunga ng mga problema sa emosyon.

        Ang mga taong kulang na kulang sa tulog ay hindi makapagtuon ng pansin nang matagal, malilimutin at hindi agad makapagpahayag ng sasabihin nila, humihina ang kakayahang mag-isip nang makatuwiran, at nababawasan ang pagiging malikhain. Kaya lasapin ang bawat panaginip at huwag ng mamoblemang tungkol sa kahulugan nito sa ating buhay. Ang pagkamit sa yugtong iyon ay isang tagumpay para sa panibagong pagmulat. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento