Linggo, Pebrero 17, 2013

ALOHA PROBINSYA

   Isang maliwanag at nagniningning umaga. Kasabay ang mahinhin, malambing at kaaya-aya na agos ng dagat. Mga malalayang ibong nagliliparan sa gitna ng dagat. Yan ang bumungad pagkadating namin sa probinsya ng LEYTE !. Ito ay probinsya ng aking tatay. Dito daw siya lumaki ng natuto ng kung anu-anong bagay. Pero kahit daw ganun ay halos 30 na taon na rin daw na hindi siya nakakapunta doon. Kaya hindi na kabisado ni papa ang pasikot sikot at mga pwedeng puntahan. 
   Dahil dyan, sinubukan naming maghanap sa internet ng mga lugar sa Leyte na pwedeng puntahan o mga tourist spot doon. Ayon sa isang website may tatlo na pwede at madali na pupuntahan doon. KAYA!! . Ito ang nilakbay namin at ikekwento ko sa inyo.

    ANG UNA AY!!!! San Juanico Bridge,  isang world-class, kawili-wili, at maalindog na destinasyon sa katimugang rehiyon ng Pilipinas, ang San Juanico Bridge ay ngayo'y panglima sa mga atraksyon sa probinsya ng Leyte.  Dahil dito, ang mga biyahero at turista na ang ay pumasa sa pamamagitan ng tulay ay maaaring magkaroon ng isang mas malapit na pagtingin sa iba't-ibang mga marine species sa kipot ng San Juanico. 

Ang aming susunod na hinto ay ang isa pang sikat at first-rate na destinasyon ng mga turista sa Leyte na gustong makita ng maraming biyahero ay ang General Douglas MacArthur Landing Memorial. Matatagpuan sa Red Beach sa Palo, Ang mga istatwa ay ginawa upang maging isang ala ala sa matagumpay ng pagkawagi ng liberasyon ng Amerikano sa pangunguna ni Heneral Douglas MacArthur, na nangyari sa 1944. Ang bawat tao sa mga istatwa ay may taas na 10 talampakan. 



Ang huling stop Para sa mga taong may interes sa pagbisita sa manmade  na atraksyon sa maganda at makasaysayang lalawigan ng Leyte, maaari silang pumunta sa iba't ibang santuwaryo. Maraming mga nakakalat ng santuwaryo sa probinsya ng Leyte. Maaari kang magpakain ng isda o makipaglaro sa mga isda. Ang mga coral reef dito ay talagang alagang alaga. Marami, iba iba at salo salo na ang mga uri ng isdang makikita na sadyang nakakaaliw pagmasdan . Ang isa pa na kahali-halina sa Leyte ay ang kanilang iba't ibang klase ng dagat.  Naging iba iba sila dahil sa kulay ng buhangin. May mga puti ang kulay, meron ding kulay-abo at meron ding parang kulay kape. Iba iba rin ang laki ng butilng mga ito. Masaya mangolekta ng iba't ibang klase ng buhangin pati na rn ang makukulay, madudulas, at maaalindog na bato. 

Naisip ko dati na. ang Leyte ay isang ordinaryong probinsya na may mga ordinaryong tanawin, ngunit ako ay mali, ang lalawigan ng Leyte ay isang lugar na  puno ng kasiyahan at puno ng pambihirang marilag ng lugar, ako masuwerteng dahil nasaksihan ko ang magandang probinsya ng Leyte .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento