Dahil dyan, sinubukan naming maghanap sa internet ng mga lugar sa Leyte na pwedeng puntahan o mga tourist spot doon. Ayon sa isang website may tatlo na pwede at madali na pupuntahan doon. KAYA!! . Ito ang nilakbay namin at ikekwento ko sa inyo.
Ang aming susunod na hinto ay ang isa pang sikat at first-rate na destinasyon ng mga turista sa Leyte na gustong makita ng maraming biyahero ay ang General Douglas MacArthur Landing Memorial. Matatagpuan sa Red Beach sa Palo, Ang mga istatwa ay ginawa upang maging isang ala ala sa matagumpay ng pagkawagi ng liberasyon ng Amerikano sa pangunguna ni Heneral Douglas MacArthur, na nangyari sa 1944. Ang bawat tao sa mga istatwa ay may taas na 10 talampakan.
Ang huling stop Para sa mga taong may interes sa pagbisita sa manmade na atraksyon sa maganda at makasaysayang lalawigan ng Leyte, maaari silang pumunta sa iba't ibang santuwaryo. Maraming mga nakakalat ng santuwaryo sa probinsya ng Leyte. Maaari kang magpakain ng isda o makipaglaro sa mga isda. Ang mga coral reef dito ay talagang alagang alaga. Marami, iba iba at salo salo na ang mga uri ng isdang makikita na sadyang nakakaaliw pagmasdan . Ang isa pa na kahali-halina sa Leyte ay ang kanilang iba't ibang klase ng dagat. Naging iba iba sila dahil sa kulay ng buhangin. May mga puti ang kulay, meron ding kulay-abo at meron ding parang kulay kape. Iba iba rin ang laki ng butilng mga ito. Masaya mangolekta ng iba't ibang klase ng buhangin pati na rn ang makukulay, madudulas, at maaalindog na bato.
Naisip ko dati na. ang Leyte ay isang ordinaryong probinsya na may mga ordinaryong tanawin, ngunit ako ay mali, ang lalawigan ng Leyte ay isang lugar na puno ng kasiyahan at puno ng pambihirang marilag ng lugar, ako masuwerteng dahil nasaksihan ko ang magandang probinsya ng Leyte .